‘JUMPER’ CONNECTIONS SA MGA STREETLIGHTS NG ILANG BARANGAY SA BAYAMBANG, TINANGGAL

Nagsagawa ng malawakang disconnection ang iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan ng Bayambang katuwang ang electric service provider sa bayan dahil sa natuklasang illegal at ‘jumper’ koneksyon ng kuryente na naka-tap sa mga streetlights ng mga barangay.

Dahilan umano ito ng hindi namomonitor na streetlights sa ilang barangay kaya Malaya at napabayaan na nakapagkabit ng kuryente ang ilang konsyumer dito.

Lumalabas din na umaabot sa 17.99 porsyento ng kabuuang bill sa kuryente ng lokal na pamahalaan ang kabuuang konsumo sa mga street lights na posibleng lumobo dahil sa mga illegal na koneksyon.

Dahil dito, nagpatupad ng bagong regulasyon ang tanggapan na sagutin na ng mga barangay ang sariling konsumo sa kuryente.

Iginiit din ang mahigpit na pagbabantay sa mga nasasakupan bilang tungkulin ng mga opisyal.

Ilalaan naman sa iba pang proyekto ng bayan ang pondong matitipid mula sa mga illegal na koneksyon ng kuryente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments