June 24, idineklarang special non-working holiday sa Maynila

62

Idineklara na special non-working holiday sa lungsod ng Maynila ang June 24, 2021.

Ito ay bunsod na rin ng paggunita sa ika-450 Founding Anniversary ng Maynila sa nasabing petsa.


Ang deklarasyon na special non-working holiday ang June 24 ay batay na rin sa inilabas na Proclamation No. 1167 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Nakasaad sa proklamasyon na nararapat lamang na bigyang pagkakataon ang mga Manilenyo na magdiwang at makiisa sa okasyon at mga seremonya kaakibat ng mahigpit na pagsunod sa social distancing at public health measures.

Mababatid sa kasaysayan na June 24, 1571 naitatag ang syudad ng Maynila sa ilalim noon ng Spanish colonial rule.

Facebook Comments