June Mar Fajardo – nangunguna pa rin sa PBA Most Valuable Player race

37

PBA – Nangunguna pa rin si three time MVP June Mar Fajardo sa Philippine Basketball Association Most Valuable Player Race.

Lamang pa si ‘The Kracken’ ng 38.58 statistical point sa ka-team niyang si Alex Cabagnot na nakapagtala naman ng 32.96 sps.

Pumangatlo si Globalport star Terrence Romeo at pang-apat si Jayson Castro.

Kapag naiuwi ulit ni Fajardo ang MVP award, sasamahan niya sina Alvin Patrimonio at Ramon Fernandez sa mga player na nakakuha ng 4 na MVP sa history ng PBA.

Facebook Comments