June Mar, Pogoy at Rosario sigurado nang makakasama sa line-up ng Gilas

83

Sa inilabas na line-up ng Gilas Pilipinas para sa darating na FIBA World Cup 2019 ibinunyag ni coach Yeng Guiao na anim na ang siguradong kasali sa kanilang final line-up.

Kabilang dito ay sina June Mar Fajardo, RR Pogoy at Troy Rosario.


Ayon kay Guiao – hinintay talaga nila ang tatlo na naglaro sa katatapos lang na PBA Commissioner’s Cup finals noong nakaraang linggo.

Maliban sa mga nabanggit, sigurado na rin na makapaglalaro sina team captain Gabe Norwood, Japeth Aguilar at naturalized player Andray Blatche.

Dagdag pa ni Guiao, inaasahan niyang makakapag-adjust ang tatlo sa kanilang koponan.

Samantala, pinag-iisipan pa kung sino ang pupuno sa huling dalawang pwesto ng pambansang koponan.

Facebook Comments

From Advertisers