Just In: Negosyante sa Naga City, Dakip sa Drug-Buy-Bust

Isang negosyante sa Naga City ang nahulog sa kamay ng otoridad matapos itong ma-aresto sa isang drug-buy-bust operation na isinagawa ng Joint elements of CPDEU; RPDEU; PS2-SDEU; 97MICo, 9MIB, 9ID, PA; 83IB, 9ID, PA; and PDEA-Camarines Sur.
Arestado ang isang persona na kinilalang si Mr. Dennis Chiu y Shea, 37 y/o, married at residente ng Villa Concepcion, Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City.
Ayon sa report ng pulisya, naganap ang operasyon sa harapan lamang ng Red Cactus Resto Bar na pag-aari ng suspect sa kahabaan ng Magsaysay Avenue, Brgy. Concepcion Pequena, Naga City, bandang alas 12:24 ng madaling-araw kanina,
Huli sa akto ang suspect na nagbebenta ng isang heat sealed transparent plastic sachet containing suspected “shabu” worth Php100,000.00.
Kasalukuyang nasa custodiya ng Naga City Police ang suspect habang inihahanda ang kasong may kaugnayan sa RA 9165 o, COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUGS ACT
Sa follow-up ng RMN Naga DWNX, napag-alaman na si Shea ay matagal ng nasa watch list ng otoridad at kunsideradong high-value target.

Facebook Comments