Justice Antonio Carpio, nagpaalala sa mga kabataan kaugnay ng isyu sa Recto Bank

179

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang mga kabataan na bukod sa West Philippine Sea, ang Reed bank o Recto bank ay eksklusibo lamang sa mga Pilipino.

Alinsunod aniya ito sa kautusan United Nations Arbitral Tribunal.


Sinabi ni Carpio na hindi lamang ang mga kabataan ngayon ang dapat makinabang sa West Philippine Sea at Recto Bank, kundi maging ang mga susunod na henerasyon.

Ginawa ni Carpio ang pahayag, kasabay ng kanyang pagpapanumpa sa Kabataan Party-list sa Korte Suprema.

Facebook Comments

From Advertisers