Justice Guevarra, nagpaliwanag sa naging tensyon sa pag-aresto ng NBI kay Maria Ressa

131

Manila, Philippines – Idenepensa ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang NBI sa naging tensyon sa pag aresto ng mga ahente kay Rappler CEO Maria Ressa kahapon.

Ayon kay Guevarra, ginawa lamang ng NBI ang kanilang trabaho at ito ay alinsunod sa legal na proseso.

Kaugnay naman sa sinasabing harassment sa ibang taga-Rappler habang inihahain ang warrant of arrest, sinabi ni Guevarra na wala pang syang direktang impormasyon tungkol dito.

Aniya, posibleng nainis lang ang mga NBI agents at nadala ng emosyon kung kaya’t nagkaroon ng tensyon at hindi pagkakaintindihan.

Gayunman, umapela si Guevarra sa mga taga-Rappler at media na balewalain na lang ang banta para hindi na lumaki ang isyu.

Nabatid na kahapon, kinuwestyon ng Rappler ang pagpapatigil sa kanila na i-document ang pag aresto kay Ressa sa pamamagitan ng pag-video.

Napag-alaman na nagsabi rin daw ang NBI na sila naman ang isusunod kapag hindi nanahimik.

Facebook Comments