Justice Jose Abad Santos General Hospital sa Maynila, balik-operasyon ngayong araw

36

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na balik-operasyon ngayong araw ang Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) sa Maynila.

Isang araw ito matapos na pansamantalang isara ang ospital dahil sa pagtaas ng COVID-19 infections sa kanilang mga pasyente at healthcare workers.

Sa statement na inilabas ngayong Linggo ng DOH, sinabi nito na bukas ang ospital ngayong araw ayon na rin sa City Health Officer ng lungsod na si Dr. Pangan.


Paglilinaw ng DOH, ang pagsasara ng ospital epektibo alas-8:00 kagabi ay upang bigyang-daan ang paglilipat sa mga pasyente nitong may mild cases ng COVID-19 sa malapit na mga isolation facility.

Pinuri naman ng ahensya ang naging mabilis na aksyon ng Manila City Health Office.

Facebook Comments