Justice Leonen, nagdadalamhati sa pagpanaw ni PNoy

Nagdadalamhati si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ayon kay Leonen, isang karangalan na mapagsilbihan niya si Aquino kung saan ito ang nag-appoint sa kanya sa Korte Suprema.

Isa aniyang mabuting tao at pursigido si Aquino sa kanyang pagnanasa na mapagsilbihan ang publiko.


Sinabi ni Leonen na marami siyang natutunan sa dating presidente.

Aniya, nakita niya na dinala at ginampanan ni Aquino ang kanyang posisyon nang may integridad at dignidad.

Facebook Comments