Justice Sec. Guevarra, dumepensa sa isyu ng press freedom sa kaso ni Maria Ressa

721

Hindi pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag ang kasong cyber libel na kinakaharap ni Rappler CEO Maria Ressa.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, walang kinalaman sa press freedom ang kasong isinampa ni businessman Wilfredo Keng laban kay Ressa.

Sinabi ni Guevarra na sino mang gumagawa ng paglabag sa Konstitusyon ay nararapat lamang na managot sa batas.

Idinagdag ni Guevarra na sa halip na sisihin ang pamahalaan dapat na lamang aniyang tutukan ni Ressa ang kanyang mga kaso.

Bukod sa kasong cyber-libel, may kinakaharap din si Ressa na tax evasion case.

Facebook Comments