Justice Sec. Guevarra, hindi pa nakakapagsailalim sa COVID-19 test

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na naka-work from home na rin siya sa ngayon.

Ayon kay Sec. Guevarra, sa ngayon ay hindi pa siya nakakapagsailalim sa COVID-19 test dahil wala pang sapat na supply ng test kit sa bansa.

Aniya, wala naman siyang nararamdamang sintomas ng COVID-19 pero nais niyang masuri ang kanyang kalusugan bilang bahagi ng pag-iingat.


Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilang opisyal ng gobyerno na nakasama niya sa Inter-Agency Task Force (IATF).

March 24, aniya, ang huli niyang pagdalo sa pagpupulong ng task force sa Malakanyang.

Sa ngayon, aniya, ay araw-araw silang nagsasagawa ng video conference kasama ang iba pang kasapi ng task force na naka-work from home rin.

Facebook Comments