Justice Sec. Vitaliano Aguirre, tumangging mag-public apology sa mga idinawit niya sa gulo sa Marawi City

Manila, Philippines – Tumangging mag-public apology si Justice Sec. Vitaliano Aguirre kahit na itinanggi na ng ilang mambabatas ang bintang nito hinggil sa pagsiklab ng gulo sa Marawi City.

Sa katunayan, palaban pa ito nang humarap sa media.

Matatandaang sinabi ni Sen. Bam Aquino noong nakaraang linggo na nangako sa kanya si Aguirre na magpa-public apology ito.


Ayon pa kay Aguirre, pag-aaksaya lang ng panahon ang panawagan ng ilang senador na imbestigahan ang fake news na ginawa niyang basehan sa kanyang pahayag.
DZXL558

Facebook Comments