Justice Secretary Aguirre, idinawit sina Senator Trillanes at Bam Aquino sa Marawi Crisis

Marawi City, Philippines – Idinawit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sina minority Senators Antonio Trillanes IV at Bam Aquino sa Marawi crisis.

Ayon kay Aguirre, ito ay bahagi ng kanilang destabilization plot sa Duterte administration.

Sinabi pa ni Aguirre na ang 2 senador kasama sina Magdalo party-list Representative Gary Alejano at Ronald Llamas, dating political adviser ni former Pres Benigno Aquino, ay nakipagpulong sa mga residente ng Marawi noong Mayo a-2, tatlong linggo bago pumutok ang bakbakan sa Marawi.


Matatandaan noong May 2,5 nag-post ang dating Punong Ehekutibo sa kanyang twitter account hinggil sa kanyang pagbisita sa Marawi City.

Nilinaw din ng DTI na bumisita si Aquino sa nasabing lugar dahil sa launching ng Negosyo centre.

Una nang itinanggi ng minorya ng Senado na karamihan ay mula sa LP na plano nilang pabagsakin ang administrasyong Duterte.
DZXL558

Facebook Comments