KAALAMAN PARA SA PAGHAHANDA SA LINDOL AT TSUNAMI, ISINAGAWA SA BAYAN NG INFANTA

Isinagawa ang seminar ukol sa paghahanda para sa lindol at tsunami na naglalayong makapagbigay kaalaman para sa mga residente sa bayan ng Infanta.
Pinangunahan ito ng PhiVolcs sa ilalim ng programang Establishment of Alerting System for Tsunami Prone Coast sa Barangay Poblacion ng nasabing bayan.
Tinalakay dito ang iba’t-ibang hakbang at aksyon na gagawin sa oras ng paglindol na maaaring magdulot din ng tsunami.

Tinutukan naman ng nasabing talakayin ang mga residenteng naninirahan sa mga baybayin.
Pinangasiwaan ito ng Phivolcs Staff katuwang ang LGU Infanta, LDRRMO, PNP, BFP, PCG at ibang pang coastal barangays. |ifmnews
Facebook Comments