Tinalakay sa ginanap na Information and Education Campaign ang kabuuan ng operasyon at iba pang protocols ukol sa San Roque Dam sa ilang bayan sa Eastern Pangasinan.
Sumailalim sa tatlong araw na pagtitipon ang mga delegado mula sa mga bayan ng San Manuel, San Nicolas na pangunahing nasasakupan ang watershed area ng dam, kabilang din ang mga bayan ng Asingan at Tayug.
Tinalakay sa kampanya ang emergency response protocols, Pre-emptive and Force evacuation protocol, hydro-meteorological hazards at Contingency Plan for Massive Flooding with Dam Break.
Ang pagtitipon ay taunang ginagawa ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang iba pang ahensya upang matiyak na sapat at may angkop na kaalaman ang mga lokal na pamahalaan sa magiging response protocols sa anumang sakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣