Kaanak ng pamilyang nasawi sa pagsabog ng LPG sa Caloocan, umapela ng tulong

247

Manila, Philippines – Pumanaw na ang pamilyang nasabugan ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Caloocan City.

Kabilang sa mga nasawi ang mag-asawa at dalawa nitong anak kasama pati ang lola matapos sumabog ang gagamiting LPG.


Bukod tanging nakaligtas lamang sa nangyari ang bunsong si Rinalyn Camus na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makalimutan ang pag-uusap nila ng kanyang magulang na tila naghahabilin.
Sinabi naman ng kaanak ng mga biktima na si Armina Reyes na problema nila ngayon ang pagbayad sa halos kalahating milyong pisong bayarin sa ospital.

Humihingi sila ngayon ng tulong para sa pambayad sa ospital para makuha ang mga death certificate ng mga biktima.
Sasagutin na ng Caloocan government ang burol at pagpapalibing sa mga biktima ng sunog.
* DZXL558*

Facebook Comments