Kaanak ni Alvin Mabesa, may panawagan

184

Manila, Philippines – Nanawagan ang mga kaanak ni Alvin Mabesa, ang ika-apat na person of interest sa pag-masaker sa pamilya ni Dexter Carlos sa San Jose Del Monte Bulacan na huwag itong saktan at sa halip ay pakawalan na ito.

Ayon kay Liza Roa, kapatid ni Alvin, kung pagbabatayan ang mga inisyal na imbestigasyon ni SP02 Daniel Ortega, ang investigator on case, hindi pa maituturing na person of interest si Alvin at naimbitahan lamang sila para magbigay linaw sa kaso.

Kung kayat umaapela si Liza na maliwanagan sana ang isip ng mga nagpapakilalang bds na ilutang na ang kanilang kapatid.


Nakaladkad lamang aniya si Alvin sa massacre case dahil siya ang naghahatid sundo sa eskwela sa mga napaslang na mga anak ni Dexter.

Nagkataon din aniya na ang kapatid ni alyas Ponga ay asawa ni Alvin at ang asawa ni Miling ay kapati ni Ponga.

Kasalukuyan naman ang command conference sa PNP SJDM kung saan dumadalo ang investigator on case ba si SP02 Daniel Ortega.



Facebook Comments