Kabayan Partylist, nagbigay ng inisyal na 3 milyon na tulong para sa rehabilitasyon ng Kalibo Public Market

70

Kalibo, Philippines – Inisyal na 3 milyon ang ibinigay ng Kabayan Partylist sa pamamagitan ni Congressman Harry Roque Jr., para sa rehabilitasyon ng Kalibo Public Market.

Kasama si Mayor William Lachica ng Kalibo at Congressman Carlito Marquez ng lone district of Aklan, nagsagawa sila ng ocular inspection sa Kalibo Public Market noong May 5 at doon nakita ni Congressman Harry Roque na kailangan na ng rehabilitasyon para na maging maayos rin para sa mga nagtitinda at mamimili.

Malaki rin ang pasasalamat ni Mayor Lachica at ng mga taga-Kalibo sa tulong na ibinigay ng Kabayan Partylist.

Nangako rin si Conressman Marquez ng 2 milyon na dagdag pondo.

DZXL558

Facebook Comments