Kabayanihan ng limang nasawing rescue personnel sa Bulacan, pinuri at kinilala ng Kamara

61

Sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez ay nagpahayag ng pakikiramay ang Mababang Kapulungan sa pagpanaw ng limang miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO sa Bulacan na nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Hinggil dito ay ipinasa ng Kamara ang House Resolution No. 421 na nagpapahayag ng papuri at pagkilala sa kabayanihan nina:
• Narciso Calayag Jr.
• Jerson Resurreccion
• Marby Bartolome
• George Agustin
• Troy Justin Agustin

Consolidatin ito ng 13 resolusyong inihain sa Kamara na nagsasaad ng pagpupugay sa hindi matatawaran ang serbisyo ng nabanggit na limang PDRRMO personnel na nasawi habang nagsasagawa ng rescue mission sa mga residente ng Barangay Camias sa San Miguel, Bulacan na nalubog sa baha dahil sa matinding hagupit ng Super Typhoon Karding.


Binigyang diin sa mga resolusyon na karapat-dapat tularan ng mamamayang Pilipino ang ipinakita ng limang rescue heroes na dedikasyon sa pagseserbisyo sa publiko at pagmamalasakit sa kapwa.

Facebook Comments