Kabuuang bilang ng COVID-19 case sa lungsod ng Pasig, higit 8,800 na

44

Pumalo na sa 8,845 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig batay pinakabagong tala ng Health Department ng lungsod ngayong umaga.

Mula sa nasabing bilang, 8,296 dito ay mga gumaling na sa sakit habang ang 360 naman ang nasawi na dulot ng virus.


Ang natitirang 189 ay bilang naman ng mga active cases.

Tiniyak naman ni Mayor Vico Sotto na mas paiigtingin pa nila ang kanilang mga hakbang at kampanya kontra COVID-19 upang maging zero case na ang lungsod sa susunod na buwan.

Pinayuhan rin ng alkalde ang mga residente ng Pasig na mahigpit na sundin ang mga ipinatutupad na mga health protocols laban sa COVID-19.

Facebook Comments