Kabuuang bilang ng COVID-19 case sa lungsod ng Pasig, nasa mahigit 8,800 na

36

Pumalo na sa 8,856 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasig, batay pinakabagong tala ng Health Department ng lungsod ngayong umaga.

Mula sa nasabilang, 8,302 dito ay mga gumaling na sa sakit habang ang 360 naman ay mga nasawi na dulot ng virus.


Ang natitirang 194 ay bilang naman ng mga active cases ng naturang sakit sa lungsod.

Tiniyak naman ni Mayor Vico Sotto na mas pai-igtingin pa nila ang kanila mga hakbang at kampanya kontra COVID-19 upang maging zero case na ang lungsod sa mga susunod na buwan.

Kaya naman payo niya sa mga residente ng Pasig, mahigpit na sundin ang mga ipinapatupad na mga health protocols laban Sa COVID-19 upang maging ligtas.

Facebook Comments