Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 322,000 na; Bilang ng mga gumaling, nadagdagan ng higit 18,000

Umabot na sa 322,497 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 3,190 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa NCR na nasa 1,279.

Nasa 18,065 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 273,079 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.


Habang umabot na sa 5,776 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 100 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 43,642 ang total active cases sa bansa.

Samantala, walang nadagdag sa mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, nananatili pa rin sa 10,549 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng virus.

Nananatili naman sa 793 ang mga bilang ng mga nasawi sa sakit, 3,006 ang nagpapagaling at 6,750 ang mga gumaling na.

Facebook Comments