Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 383,000 na; Bilang ng mga gumaling, nadagdagan ng mahigit 17,000 ngayong araw

59

Umabot na sa 383,113 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 2,396 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Davao City na nasa 148.


Nasa 17,727 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 348,760 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Habang umabot na 7,238 na ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 17 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 27,115 ang total active cases sa bansa.

Facebook Comments