Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Makati, umabot na sa mahigit 3,500

43

Umabot na sa 3,547 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Makati ngayong hapon.

Batay sa tala ng Health Department ng lungsod, mula sa nasabing bilang, 2,128 dito ay gumaling habang 154 naman ang mga nasawi.

Dahil dito, nasa 1,265 active COVID-19 cases sa lungsod.

Ipinapaalala ni Makati Mayora Abby Binay sa lahat ng Makatizens na manatili sa tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang maging ligtas.

Kung sa pakiramdam din aniya na mayroon silang sintomas ng COVID-19, mangyaring tumawag sa 168 o (02) 8942 6843 o huwag lumabas ng bahay upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.

Facebook Comments