Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Makati, nasa mahigit 9,200 na

44

Sumampa na sa 9,235 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa lungsod ng Makati.

Mula sa nasabing bilang, 8,588 ay gumaling na habang ang 356 ang nasawi.

Patuloy namang nagpapagaling sa quarantine facility sa lungsod ang 291 active cases.


Pinayuhan naman ni Mayor Abby Binay ang mga residente ng Makati City na huwag matakot makipag-ugnayan sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CEDSU) kung sakaling makaranas sila ng sintomas ng sakit tulad ng lagnat, ubo, sipon, at diarrhea.

Facebook Comments