Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 396,000 na; Bilang ng mga nasawi, nadagdagan ng 54 ngayong araw

87

Umabot na sa 396,395 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 2,442 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Rizal na nasa 138.


Nasa 11,430 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 361,638 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Habang umabot na 7,539 na ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 54 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 27,218 na ang total active cases sa bansa.

Facebook Comments