Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 406,000 na; Bilang ng mga nasawi, nadagdagan ng 39 ngayong araw

40

Umabot na sa 406,337 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 1,650 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kung saan pinakamarami ay mula sa Laguna na nasa 84.


Nasa 194 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 363,068 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Habang umabot na 7,791 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 39 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 35,478 na ang total active cases sa bansa.

Facebook Comments