Kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 582,000 na

45

Umabot na sa 582,223 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa case bulletin na inilabas ng Department of Health (DOH) ngayong araw, 1,783 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala.


Nasa 330 bagong recoveries naman ang naitala ng DOH dahilan para umabot na sa 534,778 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Habang umabot na 12,389 ang bilang ng nasawi matapos madagdagan ng 20 ngayong araw.

Sa ngayon, nasa 35,056 na ang total active cases sa bansa.

Samantala, wala namang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng bagong Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.



Dahil dito, nananatili pa rin sa 15,023 ang mga Pilipinong tinamaan ng sakit sa abroad habang 9,455 ang mga gumaling.


Nanatili naman sa 4,547 ang mga nagpapagaling habang 1,021 ang mga nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments