Kabuuang bilang ng mga nabakunahan sa 3-day national vaccination drive, bukas pa malalaman – Department of Health

74

Posibleng ngayong araw o bukas pa malalaman ang kabuuang bilang ng mga nabakunahang indibidwal sa 3-day national vaccination drive ng pamahalaan mula noong Lunes hanggang kahapon, Disyembre 1.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na tuloy-tuloy pa ang pagpasok ng mga datos mula sa Local Government Units.

Saka pa lamang aniya malalaman kung naabot ng gobyerno ang target na 9 million na nabakunahan sa loob nang tatlong araw na bayanihan, bakunahan.


Umaasa naman si Duque na maaabot natin ang 54 milyon na bakunadong indibidwal.

Kahapon, sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na irerekomenda nila sa Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa hanggang Biyernes, December 3 ang 3 day vaccination drive.

Facebook Comments