Kabuuang impormasyon kaugnay sa 52 drug war cases na sinuri ng DOJ, ilalabas na ngayong araw

72

Ilalabas na mamayang alas-9:00 ng umaga ng Department of Justice (DOJ) ang kabuuan ng 52 drug war cases na nasuri sa nakalipas na mga buwan.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kasama rito ang mga case numbers, pangalan ng mga nasawi, lugar, petsa at oras kung kailan ito nangyari at ang obserbasyon ng review panel.

Layon nito na maipa-alam sa pamilya ng mga biktima at para makakuha ng mga testigo.


Una nang inatasan ng DOJ ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at case buildup laban sa mga pulis na nasangkot sa patayan sa operasyon kontra iligal na droga.

Facebook Comments