Kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, sumampa na sa mahigit kalahating milyon!

66

Umabot na sa kalahating milyon ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH), sumampa na sa 500,577 ang kabuuang bilang ng kaso ng sakit matapos na madagdagan ng 1,895 ngayong araw.


Nasa 5,868 naman ang bilang ng new recoveries dahilan para umabot sa 465,991 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.

Dahil dito, nasa 24,691 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, umabot na sa 9,895 ang bilang ng mga nasawi matapos na madagdagan ng 11 ngayong araw.

Facebook Comments