Kadamay at Kilusang Mayo Uno, magsasagawa ng kilos protesta sa opisina ng National Housing Authority bago ang Labor Day bukas

Manila, Philippines – Nakatakda ngayong magsagawa ng kilos protesta ang mga miyembro ng Kadamay at Kilusang Mayo Uno sa opisina ng National Housing Authority bago ang Labor Day bukas.

Dahil dito, nagpalipas ng gabi ang libo-libong miyembro ng dalawang grupo sa gilid ng Agham Road, Sa Brgy. Pag-Asa, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District Station 2 Commander Police Supt. Igmedio Bernaldez, aabot sa dalawang libong indibidwal ang kasali sa naturang pagkilos.


Dahil dito, pansamantalang isinara ang southbound lane ng Agham Road., mula sa Quezon Avenue hanggang North Avenue.

Alas-otso ng umaga mamaya nakatakdang umalis ang mga miyembro ng Kadamay at KMU para mag-martsa patungo sa opisina ng NHA.
DZXL558

Facebook Comments