Kadiwa Rolling Store, roronda sa dalawang barangay sa Maynila

18

Abangan ang Kadiwa Rolling Store sa dalawang barangay ngayong araw sa Sampaloc, Maynila.

Sa mga mamamalengke, ang Kadiwa Rolling Store ay pupwesto sa #755 M. V. Delos Santos sa Brgy. 399, Zone 41.


Gayundin sa bahagi ng Palawan St. malapit sa kanto ng Mindanao Street at kanto ng Domingo Santiago St. Brgy. 580, Zone 56.

Layunin ng serbisyo ng Kadiwa Rolling Store na direktang mailapit sa mamimili ang mga produkto mula sa mga magsasaka at iba pang producer ng pagkain.

Dahil dito ay asahang mas mura at sariwa ang mga produktong mabibili sa Kadiwa Rolling Store.

Paalala ng Manila City Government, obserbahan ang health protocols habang namimili rito sa Kadiwa Rolling Store.

Facebook Comments