KADUDA-DUDA | Timing ng dismissal order ng Ombudsman kay Congresswoman Gwendolyn Garcia, makukulayan ng politika – Malacanang

83

Manila, Philipines – Iginagalang ng Palasyo ng Malacanang ang inilabas na dismissal order ng Office of the Ombudsman laban kay Cebu Representative Gwendolyn Garcia dahil sa kasong graft.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, iginagalang nila ang desisyon ng Ombudsman pero kaduda-duda naman ang timing nito.

Kaya naman naniniwala si Roque na dahil sa timing ng dismissal order ng Ombudsman ay posibleng mabahiran ito ng kulay politika.

Sinasabi ni Roque na kahit iginagalang nila ang merito ng kaso ng Ombudsman laban kay Garcia ay kongreso parin naman sa botong 2/3rds ang may kapangyarihang tanggalin si Garcia bilang miyembro ng Kongreso.

Facebook Comments