Kagamitang Pandigma ng NPA, Narekober ng Militar sa Cagayan

35

Cauayan City, Isabela- Narekober ng tropa ng military ang ilang armas na pandigma sa Sitio Rissik, Barangay Mabuno, Gattaran, Cagayan.

Tumambad sa tropa ng 77th at 17th Infantry Battalions sa ilalim ng 501st Brigade ang mga armas makaraang ituro ng ilang residente ang lugar kung saan ito nakatago.


Ilan sa mga nadiskubre ang isang (1) M16 rifle, limang (5) yunit ng shotgun, dalawang (2) Granada, isang (1) rifle grenade, apat (4) na bala ng mortar, sampung (10) bala ng kalibre 45, 107 ammunitions M16 rifle, dalawang (2) blasting caps, tatlong (3) improvised explosive devices (IED), dalawang (2) handheld radios, 85 pieces of propaganda leaflets, five dental/tooth extraction tools, four pieces syringe, 14 liters ammonium nitrate, two dextrose, two disposable gas sterile, isang pares ng rainboots, at tatlong pakete ng pad o papel.

Ayon kay MGen. Laurence Mina, commander ng 5ID, ang pagbibigay impormasyon ng komunidad sa mga posibleng lokasyon ng grupo ng rebelde ay pagpapakita lamang na nais nilang tuluyan ng wakasan ang panloloko at pang-aabuso sa mga ordinaryong tao.

Pinuri din ni MGen. Mina ang mga tropa sa kabila ng tagumpay na operasyon makaraang madiskubre ang naturang mga kontrabando.

Facebook Comments