Kagawad sa Malabon, patay sa pamamaril

26

Patay ang isang kagawad matapos barilin sa Barangay Pangulo, Malabon.

Ayon kay Police Colonel Jessie Tamayao, hepe ng Malabon Police, nakasakay sa motorsiklo ang biktimang si Dante Sih nang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa isang talipapa.

Aniya, nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng baril sa likod ng kaniyang ulo.

Nabatid na naglakad ang palayo ang salarin matapos ang pamamaril.

Sabi ni Tamayao, maaaring pinag-aralan ng gunman ang kilos ni Sih dahil binaril ito sa lugar na hindi hagip ng mga CCTV camera.

Iniwan din ng gunman ang isang papel na nagsasabing hoodlum umano si Sih at nangingikil.

Patuloy na inaalam ang motibo sa pamamaslang at kung may kinalaman ito sa halalan sa Mayo.

Nag-alok na rin ng P200,000 pabuya ang lokal na pamahalaan ng Malabon sa makapagbibigay ng impormasyon ukol sa gunman.

Facebook Comments