Kahalagahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan, iginiit ng PNP

Binigyang-diin ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ang kahalagahan ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADACs) sa recalibrated anti-drug campaign ng pamahalaan.

Ayon kay Marbil habang pokus ng kanilang operasyon ang mga nagsusuplay ng iligal na droga, toka naman ng BADAC officials ang pag-rehabilitate ng mga lulong sa ipinagbabawal na gamot sa kanilang nasasakupan.

Ani Marbil, nagsisilbi ang mga BADAC officials bilang frontliners sa pagsugpo sa iligal na droga kung saan sentro ng kanilang kampanya ang community-driven solutions.

Paliwanag pa ni Marbil na ang recalibrated approach ng PNP ay target ang mga high-value individuals at paglansag sa mga drug syndicates habang ang mga local government units (LGUs) at BADAC officials ay magkatuwang sa paggawa ng isang holistic at comprehensive response sa problema sa iligal na droga.

Giit nito, ang laban kontra droga ay hindi lamang natitigil sa pag-aresto sa mga drug addicts kundi pagbibigay ng oportunidad sa mga ito na magbago at protektahan ang bawat komunidad sa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.

Facebook Comments