Kahalagahan ng pag-adapt ng isang negosyo, ibinahagi ng CEO ng House of Lasagna

289

Malaking bagay sa isang negosyo ang pag-adapt sa mga nangyayari upang hindi mapag-iwanan at kalaunan ay mauwi pa sa pagkalugi at pagsasara.

Sa interview ng Business as Usual, ibinahagi ni Jannah Torres, CEO ng House of Lasagna, ang kanilang ginawang overhaul upang mapanatili ang negosyo sa kabila ng COVID-19 pandemic.


Ayon kay Jannah, mula nang magsimula ang House of Lasagna noong 2009 ay malaki na ang ipinagbago ng negosyo.

Inihalimbawa nito na dati ay mas nakatuon ang kanilang negosyo sa mga dine-in sa malls pero pinalawig na nila ito ngayon sa delivery at pagkakaroon ng catering services.

Facebook Comments