Kahalagahan ng papel ng mga magulang sa pagbaba ng bilang ng teenage pregnancies at HIV infections sa bansa, iginiit ng isang senador

Naniniwala si Senate Committee on Basic Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian sa kahalagahan ng papel ng mga magulang sa pagpapababa ng bilang ng teenage pregnancies at HIV infections sa bansa.

Ayon kay Gatchalian, marapat lamang na kilalanin ng mga programang ipatutupad ng gobyerno ang papel ng mga magulang at ng mga parent-substitutes para sa pagbuo at pagpapatupad ng mga polisiya na magbibigay ng pangmatagalang epekto sa kapakanan ng mga kabataan.

Kinalampag ni Gatchalian na epektibong ipatupad ang Parent Effectiveness Service Program Act o ang Republic Act No. 11908 na nagbibigay ng nasabing mekanismo para tugunan ang mga hamong kinakaharap ng mga kabataan.


Sinabi pa ng mambabatas na iimbestigahan ng kanyang komite ang implementasyon ng Comprehensive Sexuality Education at kung ito ba ay nakasusunod sa mandato ng Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Act of 2012.

Tinukoy pa ng senador na ang batas ay mayroong reproductive health education na angkop sa edad at development ng mga kabataan.

Facebook Comments