
Sa harap ng pinakamataas na opisyal ng United Nations, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na handa ang Pilipinas na gampanan ang papel nito sa pagpapanatili ng kapayapaan at balanse sa mundo.
Inihalimbawa ng Pangulo ang hakbang ng pamahalaan para sa pag-unlad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kabilang ang inaasahang kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon sa Setyembre ngayong taon.
Nagbiro rin ang Pangulosa UN Secretary-General Antonio Guterres tungkol sa pangangampanya ng Pilipinas para sa UN non-permanent seat.
Sa panig naman ni Guterres, pinuri nito ang pamumuno ng Pilipinas sa pagsusulong ng kapayapaan at demokrasya.
Kinilala rin niya ang bansa bilang isang “bridge builder” o tagapag-ugnay ng mga bansa sa loob ng United Nations.
Nagpahayag din ang UN ng suporta sa chairmanship ng Pilipinas sa ASEAN, gayundin sa patuloy na pag-unlad at kapayapaan sa BARMM.










