Kahilingan ng OSG at ni Atty. Gadon na mabigyan sila ng kopya ng SALN ni Justice Leonen, binasura ng Korte Suprema

381

Binasura ng Supreme Court En Banc unanimously ang kahilingan ng Office of the Solicitor General (SolGen) at ni Atty. Lorenzo G. Gadon na mabigyan sila ng kopya ng Statement of Assets, Liability and Net Worth (SALN) at iba pang mga impormasyon kay Supreme Court Associate Justice Marvic Mario Victor F. Leonen.


Kaugnay ito ng plano ng OSG at ni Gadon na maghain ng quo warranto petition laban kay Leonen.

Nilinaw naman ng Supreme Court na hindi lumahok si Leonen sa ginawang botohan.

Una na ring lumabas sa mga pahayagan ang hindi umano pagsusumite ni Justice Leonen ng kanyang SALN noong mga taong 2003, 2008 at 2009.

Si Gadon ang isa sa mga nasa likod ng impeachment complaint laban sa noo’y Chief Justice na si Maria Lourdes Sereno na napatalsik sa pwesto dahil din sa kwestyonable nitong SALN.

Facebook Comments