Kahinahinalang abandonadong sasakyan, natagpuan ng mga otoridad sa Noral South Cotobato

36

Manila, Philippines – Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa umano’y kahina-hinalang abandonadong sasakyan, sa purok Balabago, Barangay Poblacion, Norala, South Cotabato.

 

Sa ulat, inabandona ng isang hindi pa nakikilalang driver na tinatayang nasa edad 30-anyos ang yellow na Kia Avella na may itim na hood at plate number na MBY-156.

 

Narekober sa loob ng sasakyan ang isang flat screen TV, mga damit, military upper fatigue uniform, iba't-ibang mechanic tools at ID na inisyu ng Land Transportation Office (LTO) na nakapangalan sa isang Mark Omar L. Lopez.

 

Dinala na sa Norala PNP ang nabanggit na sasakyan para sa imbestigasyon. 


Facebook Comments