KAHIT BUMABAGYO | Nationwide simultaneous earthquake drill – tuloy sa February 15

68

Manila, Philippines – Tuloy ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Huwebes, February 15.

Ito ay sa kabila ng mga pag-ulan bunsod ng Bagyong Basyang.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Romina Marasigan magandang pagkakataon din ang maulang panahon para mas masubok ang kahandaan ng publiko sa oras na tumama ang lindol.

Gaganapin ang Earthquake Drill sa ganap na alas dos ng hapon sa buong bansa sa pangunguna ng NDRRMC, Office of the Civil Defense at iba pang kaukulang ahensya.

Kaugnay nito, hinikayat ni Marasigan ang Publiko na sabay-sabay na “Mag-Duck, Cover and Hold”.

Facebook Comments