Kahit hiwalay na raw, JoshLia nagsama pa rin para sa kanilang pelikula

171

Pinuri ng kapwa mga artista at kanilang direktor sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Naging professional daw kasi ang dalawa at tinapos ang pelikulang pinagbidahan kahit break na daw ang dalawa.


Nabatid na halos apat na buwan ang filming ng kauna-unahang locally large-scale zombie apocalypse film kung saan ito rin ang mga buwan na malakas ang bali-balitang hiwalay na ang dalawa.

Say ng kanilang direktor na si Mikhail Red, masaya siya dahil lahat ay professional sa set kung saan wala umanong isyu sa bawat isa at magaan ang bawat isa sa trabaho.

Tiwala naman si Red na tatangkilikin pa rin ng kanilang fans ang pelikula sa kabila ng napabalitang hiwalay na ang mga ito.

Facebook Comments

From Advertisers