
Nasabat ng pinag-samang puwersa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Bureau of Investigation (NBI) ang kahon-kahong iligal na vape products sa isang bahay sa Marilao, Bulacan kagabi.
Aabot sa 400 kahon ng vape products o nasa 85,200 na pods na walang tax stamp at hindi rehistradong manufacturer ang nakumpiska ng mga awtoridad.
Ayon sa NBI, natunton ang imbakan ng mga iligal na vape product sa tulong ng tip ng isang informant at patuloy na cyberpatrolling.
Tinataya namang nasa P550 milyong ang nawalang excise tax na magiging pondo sana sa mga magiging proyekto.
Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa pinagmulan ng mga vape product.
Facebook Comments