Kaibigan ng aktor na si Derek Ramsay, may ibinulgar sa relasyon niya kay Ellen Adarna

52

“In Love” ang aktor na si Derek Ramsay kay Ellen Adarna.

Ito ay kung paniniwalaan ang pahayag ng kaibigan ng aktor na si Gerry Santos matapos niyang i-post sa Instagram ang ilang video na magkasundo sa pagwo-workout sina Ellen at Derek.


Say ni Gerry, ‘in love’ ang ‘BFF’ niyang si Derek kay Ellen kung saan inilalarawan niya ang dalawa na ‘perfect match.’

Ang nasabing post ni Gerry ay ni-repost ni Ellen sa kanyang IG at inaming ‘intense’ ang kombinasyon nila ni Derek.

Noong Biyernes, nag-post si Ellen ng litrato nila ni Derek kung saan yakap siya nito sa leeg.

Nabatid na nagkakilala sina Derek at Ellen nang magkasama sila sa isang dinner party sa bahay ng aktor noong January 11 kung saan simula noon ay tila hindi na mapaghiwalay ang dalawa.




Facebook Comments