KAILANGAN PA RIN | Mga guro sa pampublikong paaralan – obligado pa ring pumasok sa Christmas break

141

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Education na kailangan paring magreport ng mga guro sa mga pampublikong paaralan sa kanilang mga trabaho sa Christmas break mula Disyembre 16 hanggang sa 22 ng buwan.

Sa isang pahayag ay nilinaw ng Department of Education o (DepEd) ang memorandum order no 49 na nagtatakda na hanggang Disyembre 15 na lamang ang klase sa public schools at Christmas break mula 16 hanggang 22.

Habang sa memorandum no 53 naman ay nakasaad na kailangan paring magtrabaho ng mga guro mula sa naturang petsa.

Paliwanag ng DepEd, ang pagtuturo ay serbisyo publiko at hindi ito dapat na ma-delay para hindi maka-epekto sa outcome ng mga estudyante.

Samantala, nakasaad naman sa DepEd order no 25 na may discretion ang private schools na magkaroon ng sariling school calendar kabilang ang Christmas break pero kailangan na masunod ang minimum na bilang ng araw ng pagpasok.

Facebook Comments