KAKAIBA | Elepante sa India, nagpamalas ng harmonica skills

India – Kinagigiliwan ngayon sa rejuvenation camp sa India ang isang elepante na marunong tumugtog ng harmonica.

Sa video na kuha ng isang turista sa Coimbatore-area, makikita ang isang trainer na inilalagay ang musical instrument sa trunk ng elepanteng si “Andaal”.

Agad naman itong ini-angat ni andaal saka tumugtog ng ilang nota.


Sa tatlumpu’t tatlong elepante na inaalagaan sa naturang rejuvenation camp, si Andaal lang daw ay may kakayahang tumugtog ng harmonica kaya paborito siya ng mga turista lalo na ng mga bata.

Facebook Comments