KAKAIBA | Ketchup slices, inilabas ngayon sa Amerika bilang kapalit sa original na ketchup

36

Amerika – Inilabas ngayon ng isang kumpaniya sa Amerika ang kauna-unahang “ketchup slices”.

Mismong ang co-founder ng BO’s fine foods na si Emily Williams ang siyang gumawa ng mga ketchup slices na alternatibong sauce para sa mga palaman ng mga sandwich at burgers.

Ang ketchup slices o mas kilala sa tawag na “slice of sauce” ay nakatakdang ilabas sa merkado sa mga susunod na buwan kung saan mas maigi daw ito sa normal na ketchup dahil siguradong hindi matutuluan o mama-mantsahan ang iyong suot na damit.

Aminado naman si Williams na hindi naman ito maaring magamit bilang pang-mix sa ibang sauce tulad ng mayonnaise at hindi mo din ito magagamit bilang dip sa french fries.

Facebook Comments