KAKAIBA | Lighter na aksidenteng nasubo ng isang lalaki sa China, natanggal na din matapos ang 20-taon

66

China – Hindi pa din makapaniwala ang mga doktor sa China na nagawang tiisin ng isang lalaki na manatili sa kaniyang sikmura ang isang lighter ng dalawampung taon.

Ayon sa hindi na pinangalanang pasyente, aksidente daw niyang nalunok ang lighter nang makapag-kamalan niya itong pulutan nang siya ay malasing.

Hindi daw agad siya humingi medical assistance hanggang sa makaranas siya ng pananakit ng tiyan kaya at naisipan na niyang magpatingin sa ospital.

Laking gulat naman ng mga doktor sa kanilang nadiskubre kung saan inabot ng dalawang beses na operasyon bago nila nakuha ang lighter na gumana pa ng tatlong beses nang kanila itong subukang gamitin.

Facebook Comments